Mister tiklo sa pang-hahalay sa 11-anyos

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang ama ang humihimas ng rehas na bakal matapos mabuking ang ginawa nitong panghahalay sa sariling 11-anyos na anak na babae sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Itinago ang pagkakilanlan ng suspek para sa kapakanan ng biktima at nahaharap sa kasong incestuous rape matapos gawing sex slave ang sa­­­riling anak simula pa noong 9-anyos pa lamang.

“The case is now with the local prosecutor’s office while the suspect is now at the provincial jail,” pahayag ni P/Senior Insp. Domingo Balares, hepe ng Alcala PNP. 

Naganap ang krimen sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Brgy. Maraburab habang ang misis ng suspek ay naninilbihan bilang kasambahay sa Metro Manila. 

Nabunyag ang krimen matapos magsumbong sa lola ang biktima.

Show comments