6 kinasuhan ng mayor sa pagnanakaw

ZAMBALES, Philippines – Pormal na kinasuhan ni Iba Mayor Atty. Ad Hebert Deloso ang anim na kalalakihan kaugnay sa lantarang pagbabaklas at pagnanakaw ng mga bakal mula sa nasunog na gusali ng pamilihang bayan ng Iba, ayon sa ulat kahapon.

Kabilang sa mga suspek na dinakip ng mga tauhan ni P/Senior Gilbert Diaz at kinasuhan ay sina Joedic Aguila ng Palanca San Jose, Batangas, foreman; Freddie Clar , 50;  ng Barangay Zone-5, Iba, Zambales, kontratista; Nonoy Rabara, Basilio Damandaman, Joel Inot at si Angelito Sinag.

Nakumpiska sa mga suspek ang 50 oxygen tank, 5 acetylene tank, 94-pirasong putol na bakal, 2 steel truses. Lumilitaw na hindi dumaan sa Municipal Engineering Dept. ang isinagawa ng mga suspek dahil sa kakulangan ng permisong demolisyon na illegal na ginawa.

Nabatid din na nakipag-transaksyon ang kontratista sa isang opisyal na ngayon ay SBMA director upang isagawa ang  demolisyon na walang permiso mula sa lokal na pamahalaan.

Show comments