5 karnaper arestado sa Bulacan
BULACAN, Philippines – Kalaboso ang limang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng carnapping group matapos maaktuhang kinakatay ang kinarnap na pampasaherong jeepney sa bulubunduking bahagi ng Barangay Paradise 3 sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon.
Pormal na iniimbestigahan ng pulisya at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Vicente Ollaras 37, may-ari ng auto shop, ng Brgy. Kaypian; Mico Ravelo 24, ng Palmera Homes; Ronell Lemusnero, 27, ng Brgy. Licao-Licao; Rey Oller, 29, ng Brgy. Kaypian at si Angel Areña, 50, jeepney drayber, ng Francisco Homes habang pinaghahanap naman ang dalawa pang suspek na may alyas Romy at Rico.
Lumilitaw na ipinaabot ni Chairman Reynaldo Cardona kay P/Supt. Marcos Rivera na may kinakatay na PUJ (NYM 886) sa bakanteng lote sa nasabing barangay.
Kaagad na inilatag ang operasyon ng pulisya kung saan naaresto ang mga suspek kung saan base sa beripikasyon na pag-aari ni Franklin Falagey ng Kamuning, Quezon City ang kinarnap na sasakyan sa Quezon City.
Nasamsam sa mga suspek ang isang gas tank at dalawang acetylene tank at ilang gamit.
- Latest
- Trending