Paaralan nasunog, P2.4M pinsala
CAMARINES NORTE , Philippines — Tinatayang aabot sa halagang P2.4M ang pinsala sa sunog na naganap sa Labo Elementary School na ikinatupok ng anim na silid aralan kamakalawa ng hapon. Batay sa ulat na ipinarating ng Labo Fire Station sa bagong upong Provincial Fire Marshal na si Chief Insp. Pablito Demagante, ang sunog ay naganap bandang alas-5:30 ng hapon at mabilis namang naapula ng mga bumbero na nagresponde sa nasabing eskwelahan na matatagpuan sa Brgy. San Francisco, Labo. Nabatid pa na panahon pa ni Pangulong Marcos ang silid aralan na nasunog na tumagal ng kalahating oras. Dismayado naman ang mga guro at estudyante dahilan sa nadamay ang ilang mga test papers at mga importanteng mga dokumento at papeles sa nasabing sunog.
- Latest
- Trending