Holdap: Drayber, pasahero dedo

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang pampasaherong jeepney drayber at isang pasahero sa naganap na holdapan sa bahagi ng Barangay Kitabog, Titay, Zamboanga, Sibugay noong Martes ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ruben Carriaga, kinilala ang mga napatay na sina Reynaldo de la Peña, drayber, ng Barangay Poblacion at Paulo Castillo.

Lumilitaw na nagpanggap na mga pasahero ang limang holdaper bago isinigawa ang krimen.

Nabatid na pinatitigil ng mga holdaper ang drayber sa pagmamaneho subalit nagpatuloy pa rin ito kaya nagalit at binaril sa ulo.

Binaril at napatay din si Castillo matapos agawin ang baril ng isa sa limang holdaper sa loob ng sasak­yan. Dito na nilimas ng mga holdaper ang mga ari-arian ng iba pang pasahero saka nagsitakas patungo sa liblib na bahagi ng nasabing barangay. The Phil. Star News Service

Show comments