^

Probinsiya

Mag-lover tiklo sa buy-bust

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY ,Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-lover matapos maaresto sa inilatag na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera sa Gov. Pack Road sa Baguio City noong Huwebes (Okt. 13).

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina John Paul Kwo, 30, Tsinoy na packaging engineer sa Texas Instruments Philippines Incorp. At Maria Jamella Rizza Tavares, 23, alias Jaiza na sinasabing nagmula sa angkan ng mga negosyante.

Ayon sa ulat, ang dala­wa ay dinakma matapos maaktuhang nagbenta ng .60 gramo ng shabu (P4,000) sa isang tauhan ng PDEA na poseur-buyer malapit sa state university.

Nasamsam din ng PDEA mula sa mga suspek ang Subaru sport utility vehicle (WZZ 386) na sinasabing ginagamit sa ilang transaksyon.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 26b (Conspiracy to Sell Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa tala PDEA, si Kwo ay sinasabing konektado sa drug syndicate sa Dagupan City, Pangasinan habang si Tavares na sinasabing umaaktong taga-deliver ng droga ay nasa listahan ng Drug Personalities sa Cordillera.

AT MARIA JAMELLA RIZZA TAVARES

AYON

BAGUIO CITY

DAGUPAN CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG PERSONALITIES

DRUGS ACT

JOHN PAUL KWO

PACK ROAD

REPUBLIC ACT

TEXAS INSTRUMENTS PHILIPPINES INCORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with