Pulis nakuryente, todas

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang bagitong pulis matapos na makuryente habang nagsasagawa ng clean-up drive sa kanilang himpilan sa bayan ng Bacnotan, La Union kamakalawa ng umaga.

Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay si PO1 Jeck Niño Quilop, 26, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Bacnotan at residente ng Barangay Amontoc sa bayan ng San Gabriel.

Sa ulat ni P/Senior Ins­pector Ismael Gauna, hepe ng Bacnotan PNP, nabatid na ang biktima ay nagpartisipa sa cleaning operation sa himpilan kaugnay ng paghahanda para sa taunang General Inspection ng PNP.

Umakyat ang biktima sa punungkahoy upang putulin ang mga nakalaylay na sanga nang mahawakan ang talop na linya ng kuryente kung saan nagkikisay itong nahulog.

Show comments