4 tiklo sa buy-bust

BULACAN, Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng apat-katao kabilang na ang 8-anyos na bata makaraang maaresto ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa mga Barangay Pag-asa at Brgy. Panghulo sa bayan ng Obando, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na sina Rodson De Castro, 39, ng Brgy. Arkong Bato,Valenzuela City; Rodrigo “Boy Bunganga” Balabagan, 53, ng Brgy. Pag-asa; Ranny Santos, 29; at Teresita “Tikya” Reyes, 51 kapwa nakatira sa Brgy. Panghulo, Obando. Samantala, nasa pangangalaga naman ng lokal na sangay ng DSWD ang 8-anyos na anak ng isa sa suspek na ginamit sa transaksyon sa droga. Nasamsam naman ang ilang drug paraphernalias at ilang piraso ng plastic sachet ng shabu.

Show comments