15-anyos binatilyo, nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang problema sa pamilya ang isa sa motibo kaya nag-suicide ang isang 15-anyos na binatilyo matapos itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Martin Gamba, spokesman ng Caraga PNP, ang biktima na  si Richard Naduma, 3rd year high school, ng Purok Duranta, Sitio Mantata, Barangay Tagcatong. Bandang alas- 2:25 ng hapon nang madatnan ng kapatid na babae ang biktima na nakabitin sa kisame ng kuwarto nito. Lumilitaw na naikuwento ng biktima sa kaniyang mga kabarkada na may problema siya sa pamilya.

Show comments