'Di-nagbayad ng utang, inutas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dahil sa ayaw magbayad ng utang, isang 51-anyos na mister ang iniulat na nasawi matapos na pagtatagain ng kanyang inutangan sa Barangay Ilaor Sur sa bayan ng Oas, Albay kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Wilfredo Tapit ng Sitio Cabangan, Barangay Ubaliw sa bayan ng Polangui, Albay. Samantala, sumuko naman ang suspek na si Bonifacio Borromeo, 57, ng Phase 1, Barangay Ilaor. Nabatid na sinisingil ng suspek ang biktima sa kanyang pagkakautang subalit tumanging magbayad ito kaya nauwi sa pananaga.

Show comments