Mag-utol binoga sa kabayo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  — Napatay ang isang 46-anyos na mister habang malubha naman ang utol nito makaraang pagbabarilin ng magkapatid na lalaki kaugnay sa naganap na alitan sa pulitika sa Sitio Ilaya, Barangay Alas sa bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Romeo Romano habang nakikipaglaban naman kay kamatayan sa Mandaon Hospital si Danilo Romano, 49.Tugis naman ng pulisya ang mag-utol na suspek na sina Jerry delos Reyes at Anthony delos Reyes. Sa ulat ng pulisya, pauwi na mga biktima sakay sa kabayo mula sa dinaluhang kasalan nang harangin at ratratin ng mga suspek.

Show comments