Bike vs bus: 2 todas

SOLANO, Nueva Vizcaya ,Philippines  — Dalawang sakay ng motorsiklo ang iniulat na nasawi matapos salpukin ng pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Alibagu sa bayan ng Ilagan, Isabela noong Linggo ng gabi. Kinilala ng pulisya ang magkapatid na namatay na sina Conrado Bacud at Jerry Bacud na kapwa nakatira sa bayan ng Gamu, Isabela. Sa follow-up operation ng pulisya nasakote naman ang driver ng Florida Bus Liner na si Edwin Cayaba, tubong Lallo, Cagayan.

Show comments