8 wanted nadakma

BULACAN, Philippines  – Walo-katao na pawang may mga nakabinbing kasong kriminal sa ibat’ ibang bayan ang nadakma ng pulisya matapos paigtingin ang kampanya kaugnay sa programang “Wanted Ka, Huli Ka” sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. kinilala ang mga akusado sa iba’t ibang krimen na sina Jesse Bon Flit Dela Cruz ng Brgy.Taliptip; Ronald Hernandez ng Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan; Rommel Villacorta ng Brgy. Subic, Baliwag; Ediza Villanueva ng Brgy.Tiaong, Guiguinto; Alexis Samonte ng Brgy. Mojon, Malolos City; Florencio Nuñez ng Brgy. Camachile, Doña Remedios Trinidad; Ferdinand Roque ng Brgy.Saluysoy, Meycauayan City; at si Jonathan Hernandez ng Brgy. Santol, Balagtas.

Show comments