2 todas sa killer bus
CAMARINES NORTE, Philippines — Dalawang menor de edad ang nasawi matapos na mabanggaan ang isang rumaragasang pampasaherong bus sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Baao, Camarines Sur at Labo, Camarines Norte kamakalawa. Dead-on-arrival sa isang ospital ang biktimang si Arthur Portugal, ng Naga City, Camarines Sur matapos na mabagok ang ulo sa sementadong kalsada.
Sa imbestigasyon ang biktima ay papatawid sa kabilang kalsada na siya namang paparating ang pampasaherong bus ng Eaglestar may plakang HVM 759 na nakarehistro sa Eaglestar Francis Corporation sa San Pablo, Ormoc City. Boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng bus.
Sa Camarines Norte, halos mapisak ang katawan ng isang 17 anyos na biktimang si Jonalyn Labao makaraang magulungan ng pampasaherong bus ng DAET Express biyaheng Daet-Manila may plakang EVN 412 body no. 333 bandang alas-9 ng umaga habang tumatawid ito.
- Latest
- Trending