Nanuhol sa 2 pulis dinakma

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng magkaibigang lalaki makaraang arestuhin dahil sa panunuhol sa dalawang pulis sa loob ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamaka­lawa ng gabi.

Agad na kinasuhan ni P/Supt. Reniel Valones ang mga suspek na sina Eduardo Sebastian, 52, magsasaka at Ramil Nolasco 41, traysikel drayber, kapwa nakatira sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pandi.

Sa ulat na ipinarating kay P/Senior Supt. Fer­nando Mendez Jr. iniimbestigahan nina PO2 Rolando Isidoro at SPO1 Ernesto Lannapin Jr. ang mga suspek kaugnay sa naganap na aksidente sa Barangay Sta. Clara kung saan walang maipakitang kaukulang papeles sa kanilang motorsiklo. Dito na sinuhulan ang dalawang pulis subalit tinanggihan ang malaking halaga at dinakma ang dalawang suspek.

Tinangka pang kunan ng video sa cell phone ng mga suspek ang dalawang pulis habang inaabot ang mala­king halaga bilang suhol.

Nasamsam sa mga suspek ang P32,000 at cellphone na ginamit ng mga suspek.

Show comments