Kabo ng STL nilikida

BATAAN , Philippines — Napatay ang isang 49-anyos na kabo ng Small Town Lottery(STL) matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Parang-Parang sa bayan ng Orani, Bataan kamakalawa ng gabi. Dalawang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Clarito “Ka Larry” Boncalos ng Barangay Apolo sa nasabing bayan. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nangolekta ang biktima ng mga pataya sa STL sa kanyang mga kubrador. Kaagad na sumakay ng bisikleta ang biktima patungo sa lugar ng bulahan ng jueteng nang lapitan at ratratin. Pinaniniwalaang karibal na kabo ang pumaslang sa biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments