Mag-asawa, hipag dedo sa bus

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawa at hipag ng mga ito makaraang salpukin ang kanilang motorsiklo ng mabangga ng kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng highway ng Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa. Kabilang sa mga nasawi ay ang mag-asawang Abdul Dariday, Rosnia Dariday at ang at hipag na si Nora Tandayao. Sa ulat ni  P/Supt. Isaias Bacurnay Jr. na nakara­ting sa Camp Crame, bandang alas-7 ng gabi habang lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang araruhin  ng Bachelor Bus ( MVL -493) sa bahagi ng highway sa Brgy. Agay-ayan. Agad namang tumakas ang driver dahil sa matinding takot na kuyugin ng pamilya ng mga biktima. Gayon pa man, ma­tapos makonsensya ang drayber ay nagdesisyong sumuko sa pulisya.

Show comments