34 mangingisda nasagip, 17 nawawala
CAMARINES NORTE, Philippines – Masuwerteng nakaligtas ang may 34 na mangingisda lulan ng sampung fishing boat makaraang abutin ng sama ng panahon dulot ng bagyong Pedring sa kalagitnaan ng kanilang paglalaot sa karagatan ng San Miguel Bay ang napadpad sa bahagi ng Brgy Butawanan, Siruma, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Carlos Galvez ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO), bandang alas-9:00 ng umaga, unang nasagip ang umaabot sa 24 na mangingisda na pawang mga residente ng Brgy Mambungalon, Mercedes, Camarines Norte. Ang 17 mangingisda na nawawala ay patuloy na pinaghahanap ng mga Philippine Coast Guard, PNP Maritime, MDSRRMC-Mercedes at ng Provincial Emergency Action Team. Personal na binisita ng gobernador ang mga bayang naapektuhan ng bagyong Pedring partikular na ang mga bayan ng Mercedes, Labo, Paracale, Jose Panganiban, Daet, at Vinzons.
- Latest
- Trending