^

Probinsiya

P50-M medical modernization program inilarga

- Ni Alex Galang -

ZAMBALES, Philippines  — Tinatayang aabot sa P50 mil­yong halaga ng modernong ka­gamitang ipapamahagi sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital bilang bahagi ng health and medical services modernization program ni Zambales Go­vernor Jun Ebdane.

Nilagdaan na ni Gov. Ebdane ang memorandum of agreement para sa jont venture ng Zambales provincial government at ng High Integrated Medical Engineering Exponent Corp. Inc. na magiging supplier at magmamantine sa mga modernong kagamitan tulad ng CT-scan, ultra sound at X-ray machines.

Sa pahayag ni Rema Ohno, HIMEX senior exe­cutive vice-president at chief operating officer, kabilang sa P50-milyong proyekto ang konstruksyon at renovation ng mga silid na paglalagakan ng mga kagamitan.

 “Sa kabila aniya na napakalaking investment ang nasabing proyekto ay wala naman ilalabas na pondo ang pamahalaang panlalawigan bagkus ay ang HIMEX ang maglalagay ng sistema na kapalit lamang ay ang 50% para sa service fees at charges para sa paggamit ng mga makina,” paliwanag ni Ebdane.

Sa pamamagitan ng joint venture project ay nabuksan ang opurtunidad ng pro­binsiya na mapataas ang medical and hospitalization services sa pamama­gitan ng “shared-income arrangement,” pagdidiin pa ni Ebdane.

EBDANE

HIGH INTEGRATED MEDICAL ENGINEERING EXPONENT CORP

JUN EBDANE

NILAGDAAN

RAMON MAGSAYSAY MEMORIAL HOSPITAL

REMA OHNO

SHY

TINATAYANG

ZAMBALES

ZAMBALES GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with