Trader naglaslas ng pulso

CAMARINES NORTE, Philippines   — Dahil sa patuloy na pagkalugi ng negosyo ay nagdesisyon ang isang 51-anyos na dayuhang trader na mag-suicide matapos itong maglaslas sa pulso sa loob ng kanyang kuwarto sa Brgy. Sto. Niño bayan ng Sangay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dayuhang nag-suicide na si Roger Robin Antonissen, Dutch national, may-ari ng Andemi Beach Resort. Ayon kay PO2 Dave Dequiros, bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ng mga tauhan ng nasabing beach ang bangkay ng biktima na hawak pa ang matalim na kutsilyo. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman ng alak sa kanyang mga kaibigan bago ito pumasok ng kuwarto.

Show comments