^

Probinsiya

Minero inasido ng kainuman

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagmistulang ‘Freddy Krueger’ ng “Nightmare on Elm Street” ang mukha ng isang guwapitong minero matapos itong sakalin ay sabuyan pa ng asido sa mukha ng kaniyang kainuman sa gitna ng pagtatalo kung sino ang mas pogi sa bayan ng Buenavista, Quezon kamakalawa. Halos hindi na makilala dahil sa matinding sunog sa mukha kung saan naisugod sa Holy Rosary Hospital sa Lopez si Nolasco Bello Jr., 20, ng Barangay Bulo. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Christian Aguila ng Brgy. Poblacion. Ayon sa imbestigasyon, nag-inuman ang suspek at biktima sa loob ng barracks ng mga minero nang nagkapikunan ang dalawa sa isyung paguwapuhan kung saan nauwi sa pananakal ng biktima. Nagawa namang makawala ng suspek sa pagkakasakal ni Bello at nagtatakbo sa loob ng kanilang barracks upang umiwas sa gulo. Gayon pa man ay sinundan ito ng suspek na may dalang isang galon ng asido at isinaboy sa mukha ng biktima

vuukle comment

AGUILA

AYON

BARANGAY BULO

BRGY

BUENAVISTA

ELM STREET

FREDDY KRUEGER

GAYON

HOLY ROSARY HOSPITAL

NOLASCO BELLO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with