Doktor pisak sa truck

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang municipal doctor matapos mapisak ng trailer truck sa MacArthur Highway sa Barangay Wakas sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. Naipit pa sa unahang gulong ang katawan ng biktimang si Dr. Ian Jay Retuerma, 36, health officer sa Bulakan Rural Health Unit, nakatira sa Barangay San Nicolas, Bulakan. Naaresto naman ng pangkat ni P/Insp. Jerry Navarro ang drayber ng trak na si Arnel Rivera ng Brgy. Pajo, Meycauayan City, Bulacan at ang pahinanteng si Ruel Paluga . Ayon kay PO1 Carl Buco, lulan ng motorsiklo ang biktima nang bigla itong tumawid para mag-u turn subalit nahagip ng Isuzu trailer truck na may plakang RD 703. Boy Cruz at Dino Balabo

Show comments