Sadistang Aleman kalaboso

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang 58-anyos na Aleman matapos ireklamo ng pagmamalupit ng misis nitong Pinay sa Barangay Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay, Aklan kamakalawa. Bandang alas-11:55 ng umaga  nang masakote ang suspek na si Horst Agustin sa Melindas Garden Boracay sa Sitio Ambulong, Manocmanoc. Ang suspek ay inireklamo ng misis nitong itinago sa pangalang Angeline ay inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ronald Exmundo, acting presiding Judge ng 6th Regional Trial Court. Nabatid na napilitang dumulog sa mga awtoridad ang bikitma dahil hindi na nito makayanan ang kalbaryo sa poder ng sadistang mister.

Show comments