Pulis nabaril sarili, dedo

CAVITE ,Philippines  – Nagwakas ang pagiging pulis ng isang 30-anyos na mister matapos tamaan sa ulo ng bala ng kanyang baril habang nililinis nito sa kanilang bahay sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Idinekla­rang patay sa Our Lady of Pillar Hospital si PO2 Charlie Guitering ng Las Piñas City PNP at nakatira sa Blk. 9, Lot 41, Phase B, La Terraza Subd. sa Brgy. Bucandala I, sa nasabing bayan. Lumilitaw na nililinis ng biktima ang kanyang baril nang makalabit nito ang gatilyo at pumutok. Tumama sa ulo ang bala kung saan naisugod naman ng kanyang misis sa nasabing ospital subalit namatay din. Narekober ang cal. 9mm pistol, cartridge nito at isang magazine na may pitong bala. 

Show comments