Biyenan tinodas ng manugang
QUEZON ,Philippines — Dahil sa panenermon, pinatay sa taga ang isang biyenan ng kanyang manugang habang sila ay nag-iinuman ng alak kamakalawa ng hapon sa Barangay Buenavista sa bayan ng Mulanay, Quezon. Nagmistulang kinatay na karne ang katawan ni Reynaldo de Villa, 56, habang tugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Jeremy Daleon. Ayon kay PO1 Arby Resullar, nag-iinuman ng alak ang magbiyenan sa bahay ni Rommel de Villa nang sermunan ng biktima ang kanyang manugang dahil sa madalas na pang-aaway nito sa kanyang asawa. Kaagad namang umuwi ng kanilang bahay ang suspek at pagbalik ay pinagtataga na ang biktima.
- Latest
- Trending