2 naaburido sa buhay, nag-suicide
CAMARINES NORTE, Philippines — Dalawang lalaki na pinaniniwalaang naaburido sa kahirapan sa buhay ang nag-suicide sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng San Vicente at Basud, Camarines Norte kamakalawa.
Unang nag-suicide si Anthony 'Tontie' Castilla, 18, ng Brgy. Fabrica, San Vicente, matapos magbigti sa palikuran ng kanilang bahay.
Natagpuan naman ang katawan ni Simeon Guttierez, 75, ng Brgy. Manguisoc sa bayan ng Mercedes matapos itong magbigti sa punong kahoy malapit sa ilog ng Purok 3 Brgy. Mandazo sa bayan ng Basud.
Ayon sa pulisya, nag-iwan ng suicide note ang dalawa kung saan umaabot na sa lima-katao ang nagbibigti dahil sa kahirapan sa buhay sa loob lamang ng dalawang buwan simula noong Agosto hanggang sa kasalukuyang buwan.
- Latest
- Trending