12 tulak arestado sa drug bust
ZAMBALES, Philippines – Labindalawa-katao na sinasabing notoryus na tulak-droga ang nadakma ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa loob ng Pink Hotel sa Barangay Inhobol sa bayan ng Masinloc, Zambales noong Lunes ng umaga. Pormal na kinasuhan ni PNP Zambales PNP director P/Senior Supt. Francisco DB. Santiago Jr., ang mga suspek na sina Ricky E. Elamparo, may-ari ng nasabing hotel; Leofel L. Macaraeg, Leo San M. Buenaventura, Albert Teodoro Ebalo Jr., Mary Joy A. Chua, Perlie C. Tuatis, Orlando E. Ventura Jr., Roque M. Ejan, Paulino V. Ebalo Jr., Percival H. Echon, Eddie Najera, at si Aser M. Merto.
Ayon kay P/Inspector Rolando C. Dellezo, hepe ng Masinloc PNP, dinakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Consuelo Amog-Bocar ng RTC Branch 71 noong September 5. Nasamsam sa mga suspek ang 28-piraso ng plastic sachet na naglalaman ng Methamphetamine Hydrochloride (shabu) na umabot sa 50 gramo at mga iba’t ibang drug paraphernalia at isang cal. 38 revolver.
- Latest
- Trending


















