P2.2 M marijuana nasamsam

MANILA, Philippines - Aabot sa P 2.2 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana matapos maaresto dalawang big time drug pusher sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bayan ng Burgos, La Union kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Diego Gigisan, 29; at Nelia Tayog, 45, kapwa nakatira sa Sablan, Benguet. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nasamsam sa mga suspek ang may 100 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.2 milyon. Nabatid na bago ang operasyon ay nakatanggap ng intelligence report ang mga awtoridad hinggil sa illegal na transaksyon ng mga suspek.

Show comments