MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang Pinay trader na sinasabing ka-live-in ng mayamang Briton sa bayan ng Ipil, Zamboanga, Sibugay kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Director Felicisimo Khu, ang panibagong biktima ng kidnapping na si Luisita Galvez, 34, ng Lot 9, Nesoricom, Brgy. Magdaup at live-in partner ni Raymund George Morrison na nagtatrabaho sa oil company na nakabase sa Malaysia.
Naganap ang pagdukot matapos magpanggap na mga customer ang mga armadong kalalakihan sa R & L SPA sa Poblacion na pag-aari ni Galvez.
Narekober naman ng mga awtoridad ang gateaway vehicle ng mga kidnaper na inabandona sa Brgy. Bangkerohan.
Bumuo na ng Crisis Management Committee sa pamumuno ni Mayor Eldwin Alibutan para sa agarang pagpapalaya sa biktima.