4 rapist arestado
BULACAN, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng limang kalalakihan na isinasangkot sa kasong panghahalay makaraang maaresto ng pulisya sa serye ng operasyon kaugnay sa kampanyang “Wanted Ka Huli Ka” sa lalawigan ng Bulacan kahapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Edito Root, 40; Chris Malabed, 30, kapwa residente ng Brgy. Bayugo, Meycauayan City; Renato Lachica, 22, ng Villa Cecilia Subd., Brgy., Sto. Cristo, Baliwag; at si Prospero Agot, 38, ng Brgy. Tumana sa bayan ng Sta. Maria.
Ang mga suspek ay dinakma sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nina Judge Olivia Escubio-Samar ng RTC Branch 79; Judge Rolando Bulan ng RTC Branch 77.
- Latest
- Trending