^

Probinsiya

Ina inutas sa palo ng 12-anyos anak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi na iginalang ang isang 51-anyos na ina na napatay ng kanyang 12-anyos na anak matapos pag­hahampasin ng kahoy ng walis tambo sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Tublay, Benguet noong Martes ng umaga.

Kinilala ni Benguet Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Benjamin Lusad ang nasawi na si Flordaliza Solis ng Shilan Tili, Tublay.

Lumilitaw na tuluyang binawian ng buhay ang biktima noong Miyerkules ng umaga sa Benguet Provincial Hospital matapos isugod noong Martes.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang 12-anyos na suspek na halos tulala naman sa tabi ng kabaong na hindi makapaniwala na mapapatay niya ang sariling ina.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina  dahil sa katigasan ng ulo ng sutil na binatilyo na humantong sa halos walang humpay na paghampas nito ng kahoy ng walis tambo sa ina hanggang sa nanlulupaypay na iniwan ito ng anak.

Ang biktima ay nagtamo ng palo ng kahoy partikular na sa ulo, batok at iba pang bahagi ng katawan kung saan hindi ito makabangon sa insidente at kinabukasan ng umaga dakong alas-5:30 ng umaga noong Agosto 31 ay hinimatay ito kaya isugod sa ospital.

Gayon pa man, nabigo ng maisalba ang buhay ng ina na nasawi dahil sa internal hemorrhage sa malakas na pagpalo ng kahoy sa ulo at batok nito.

Napag-alaman pa na mag-isang pinalaki ng biktima ang dalawang anak na lalaki na ang panganay ay isang 27-anyos at ang bunso ay ang suspek.

Nakatakdang i-turnover ang binatilyo sa Department of Social Welfare and Development matapos mailibing ang kaniyang ina.

AGOSTO

BENGUET

BENGUET PROVINCIAL HOSPITAL

BENGUET PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

BENJAMIN LUSAD

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FLORDALIZA SOLIS

SENIOR SUPT

SHILAN TILI

TUBLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with