^

Probinsiya

66-anyos na lola, ni-rape ng anak

- Nina Victor Martin at Raymund Catindig -

ILAGAN, Isabela, Philippines – Isang 66-anyos na lola ang walang awang pinagsamantalahan ng sarili nitong anak na nasa impluwensya ng alak sa bayan ng Tuao, Cagayan kamakalawa.

Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktimang si Basyang Guzman habang ang suspek ay nakilala namang si Joseph Guzman, 40, sultero; pawang residente ng Brgy. Narwagan, Tuao ng nabanggit na lalawigan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, umuwi umanong lasing ang suspek mula sa isang inuman sa kanilang baryo ng madatnan ang kaniyang ina na natutulog sa sofa.

Nagulat na lamang umano ang matandang biktima ng magising habang hinihipo sa hita ng anak at niyayang mag-sex.

Nagalit ang matanda pero wala itong nagawa matapos na puwersahang hubaran at ihiga sa sahig ng suspek saka halayin ng dalawang oras kung saan hindi narinig ng kanilang mga kabaryo ang sigaw nito.

Matapos makaraos ay agad umanong nakatulog ang suspek na sinamantala naman ng biktima upang makahingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Naaresto naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang suspek na ngayo’y humihimas na ng rehas na bakal.

vuukle comment

BASYANG GUZMAN

BRGY

ISABELA

ISANG

JOSEPH GUZMAN

LUMULUHANG

MATAPOS

NAARESTO

NAGALIT

TUAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with