MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong administratibo sa Ombudsman si Mindoro Occidental Gov. Josephine Ramirez-Sato dahil sa pagbibigay ng special treatment sa 2 detenidong provincial officials. Kinasuhan si Gov. Sato dahil sa pagkabigo nitong aksyunan ang nabunyag sa telebisyon na ‘kalokohan’ ng 2 detenidong sina dating board member Randolph Ignacio at assistant provincial agriculturist na si Peter Alfaro kung saan ay nakakalabas ang mga ito ng kulungan at nakakapasok sa kapitolyo dahil daw sa utos ng gobernadora. Naaresto sina Ignacio at Alfaro noong 2009 habang ang isang akusado na si Atty. Judy Lorenzo ay nagtatago dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa sa kanila ng dating public school teacher na si Xavier de Jesus na inakusahan ng 2 na nandaya daw sa eleksyon noong 2007. Nakasaad pa sa reklamo laban kay Sato na hindi makakalabas ng kulungan ang 2 detenido kung walang basbas ng gobernadora at kung walang permiso ang jail warden. Nahaharap si Gov. Sato sa paglabag sa RA 3019 o anti-graft and corrupt practices act at paglabag sa local government code.