^

Probinsiya

SUV vs trak: Aktor, 5 pa sugatan

- Danilo Garcia -

RIZAL, Philippines — Anim-katao kabilang ang batang aktor na si Joseph Bitangcol ang iniulat na nasugatan makaraang bumangga ang sinasakyan nilang sports utility vehicle sa kasalubong na dump truck kahapon ng madaling-araw sa Antipolo City, Rizal.

Isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City sina Bitangcol at mga kasamahang sina Vanessa Becina, Karria Isleta, Mark Cendeno, James de Luna at si Leandro Ong.

Sa inisyal na ulat ng Antipolo City PNP, naganap ang aksidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa bahagi ng Sumulong Highway. 

Nabatid na sakay ang mga biktima ng Mitsubishi Montero nang makabanggaan ang Isuzu dump truck ni Victor Beltran.

Nabatid na paakyat sa mataas na bahagi ng kalsada patungong Antipolo ang grupo nina Bitangcol nang masagi ng trak.

Inaresto naman ng pulisya ang driver ng trak na si Beltran at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

BITANGCOL

JOSEPH BITANGCOL

KARRIA ISLETA

LEANDRO ONG

MARK CENDENO

NABATID

SUMULONG HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with