^

Probinsiya

2 pulis, 1 pa sugatan sa barilan

-

BATANGAS, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang dalawang pulis ang iniulat na nasugatan matapos sumiklab ang shootout sa bayan ng San Juan, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Superintendent Rosauro Acio, Batangas police director ang mga nasugatang pulis na si P/Senior Inspector Ronald Aniwasal at isang non-commissioned officer na may apelyidong Name. Isinailalim sa hospital arrest ang sugatang si Barangay Councilor Cristopher Castillo, 35, chairman ng Barangay Coloconto at ang umano’y lider ng Kubo Gang. “We’re still verifying the connection of Castillo in Kubo Gang, but he’s indeed the barangay councilor of Coloconto,” dagdag naman ni P/Superintendent Nick Torre, Batangas police public information officer. Arestado naman ang mga tauhan ni Castillo na sina Romeo Cadano, Porfirio Hernandez at si Gerardo Datinguinoo kung saan nakumpiskahan ng M-16 Armalite Rifle, cal. 38 revolver, motorsiklo at ang Toyota Revo. Sa inisyal na report, nagsasagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Batangas provincial PNP sa bisinidad ng Sitio Riverside, Barangay Poblacion nang makasagupa ang mga suspek. Nanatili namang tikom ang bibig ng mga pulis sa himpilan ng San Juan PNP sa naganap na shootout.

ARMALITE RIFLE

BARANGAY COLOCONTO

BARANGAY COUNCILOR CRISTOPHER CASTILLO

BARANGAY POBLACION

BATANGAS

GERARDO DATINGUINOO

KUBO GANG

PORFIRIO HERNANDEZ

ROMEO CADANO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with