2 kawatan arestado

BATANGAS, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang lalaki matapos madakma ng pulisya sa kasong pagnanakaw sa bahay ng negosyanteng babae sa Barangay Latag sa bayan ng Taal, Batangas noong Bi­yernes ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Orlando Garcella, 37, negosyante, ng R. Diokno Street, Lemery, Batangas at ang 16-anyos na lalaki na nakatira sa Barangay Haling sa bayan ng Taal. Base sa police report, bandang alas-2 ng hapon nang pasukin at pagnakawan ng mga suspek ang tahanan ni Maria Reisy Valera, 48. Sa follow-up operation ng pulisya, nadakma ang mga suspek kung saan narekobder naman ang ninakaw na alahas na nagkakahalga ng P20,000 at P5,000 cash.

Show comments