BULACAN ,Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang 44-anyos na construction worker matapos isangkot sa kasong rape ng 15-anyos na babaeng estudyante sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Domingo Bumalay ng Barangay Makinabang sa nasabing bayan. Sa ulat ni P/Supt. Rizalino Andaya, apat na ulit na ginahasa ng suspek ang biktima na sinasabing nagsimula ang krimen noong Nobyembre 28, 2010 at naulit noong Marso 3, 2011. Naantala ang reklamo ng biktima matapos pagbantaan ng suspek.