Misis tinodas ng ka-live-in

BULACAN ,Philippines  – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 29-anyos na misis ng kanyang ka-live-in sa kanilang tahanan sa Barangay Panginay sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon. Limang saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Rochelle Guasa, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Robert Echavez, 34, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO2 Roberto Santos, lumilitaw na kinompronta ng suspek ang ka-live-in kaugnay sa kumakalat na tsismis na may ibang lalaki na nauwi sa matinding pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaslang.

Show comments