Ex-traffic enforcer tiklo sa karnap na motorsiklo

BULACAN, Philippines – Nadakma ng pulisya ang dating traffic enforcer matapos makumpiskahan ng motorsiklo na may kaparehong plaka ng sasakyan na kinarnap sa isinagawang operasyon sa Barangay Bagbaguin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Pormal na ipinag-utos ni provincial PNP director P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr.na kasuhan ang suspek na si Godofredo Cruz, 35, ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Sa ulat ni P/Supt. Re­niel Valones, nasabat ang suspek sa checkpoint dahil sa walang helmet na sout habang nagmomotorsiklo kung saan nadiskubre rin na ang sticker ng plaka ay para sa sasakyan.

Natuklasan din ng pulisya na ang sticker na ginamit ni Cruz ay mula sa sasakyan ni Gregorio Mendoza ng Barangay Poblacion at ang plaka ay kapareho ng plaka ng motorsiklo na kinarnap sa Maynila noong Setyembre 10, 2010 na pag-aari ni Sonia Gonzales. 

Show comments