^

Probinsiya

Ama todas sa 16-anyos anak

- Nina Victor Martin at Raymund Catindig -

ILAGAN, Isabela, Philippines — Sinaksak at napatay ng isang 16-anyos na binatilyo ang sariling ama matapos ang mainitang pagtatalo sa Barangay Hacienda sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Martes.

Kinilala ni P/Senior Insp. Charles Bueno, hepe ng PNP Baggao ang napatay na si Rodolfo Macassado, 47, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Benito.

Lumilitaw na may matagal nang alitan ang mag-ama kaya magkahiwalay na ang kanilang tirahan kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa sa loob ng tahanan ng lolo ng suspek.

Matapos makipagtalo ng ama sa kanyang anak ay umalis na ito subalit habang papalabas ng kanilang tahanan ay sinundan at sinasaksak sa likuran ng suspek.

Inendorso sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa bayan ng Baggao ang suspek.

vuukle comment

BAGGAO

BARANGAY HACIENDA

BENITO

CHARLES BUENO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INENDORSO

ISABELA

KINILALA

RODOLFO MACASSADO

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with