Frat war: Magkaibigan inutas

CABANATUAN CITY, Philippines – Pinaniniwalaang frat war ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapataay ang magkaibigang nag-iinuman sa harap ng Internet shop sa Barangay Mabini Ext sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Marvin Gotangco, 35, negosyante, ng Barangay Mabini Ext. at Kryz Ray Corpuz, 28, mekaniko, ng Bliss Ville, Barangay Sta. Arcadia at kapwa miyembro ng Tau Gamma Fraternity. Lumilitaw na nag-iinuman ang magkaibigan at dalawang iba pa sa harap ng G-Red Internet Café na pag-aari ni Gotangco nang ratratin ng mga 'di-kilalang lalaki na lulan ng puting puting kotse.

Show comments