^

Probinsiya

Pulis-SPD, misis itinumba sa Batangas

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna  ,Philippines – Napaslang ang isang pulis-SPD at ang asawa nito matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Malvar, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas police director ang mag-asawang napaslang na sina PO3 Zoilo Manalo, 51, naka-assign sa District Intelligence Office sa Southern Police District at Elvie Manalo, 47, kapwa nakatira sa Latayan St. Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Lumilitaw na nakipagli­bing ang mag-asawa sa namatay na kamag-anak at paparada na sana sa tapat ng kanilang bahay nang ratratin ng dalawang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo bandang alas-4:10 ng hapon.

Bulagta kaagad si PO3 Manalo matapos tamaan sa ulo at katawan hanggang sa tumagos naman ang bala at tamaan ang kanyang misis na si Elvie.

Isinugod pa sa Mercado General Hospital sa Tanauan City si Elvie pero namatay din habang gina­gamot sa emergency room.

Blangko pa rin ang pu­lisya sa motibo ng pamamaslang habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

BATANGAS

DISTRICT INTELLIGENCE OFFICE

ELVIE

ELVIE MANALO

LATAYAN ST. BARANGAY POBLACION

MERCADO GENERAL HOSPITAL

ROSAURO ACIO

SENIOR SUPT

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with