Army Sgt. dedo sa killer bus

Manila, Philippines - Patay ang isang 35-anyos na sundalo ng Phil. Army makaraang mabangga ang sinasakyan nitong motorsiklo ng pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Brgy. Soriano, Cabadbaran City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Cabadbaran City Emergency District Hospital si Sgt. Christopher Tacang ng Brgy. Lumbucan. Ayon kay PO3 Arwen Maturan, sumuko naman ang drayber ng Bachelor Express Bus (LXA 516) na si Felix Embuscado.

Show comments