Ika-38 Hanjin worker utas

OLONGAPO CITY, Philippines — Isa na namang manggagawa ang iniulat na nasawi sa facility ng shipbuilding ng Korean-owned Hanjin Heavy Industries Corporation sa Subic Bay Freeport sa Sitio Agusuhin, Brgy. Cawag, Subic, Zambales kamakalawa ng umaga. Kinilala  ang biktima na si James Baragal, 21. Umangkas si Baragal sa forklift ni Richard Payauan para magtungo sa mess hall ng production department ng Handjin upang magmeryenda. Sinasabing pinaharurot ng drayebr ang forklift kaya bumangga sa konkretong ditch cover kung saan tumilapon si Baragal sa sementong drainage sa assembly area. Naisugod pa sa St. Lourdes Hospital sa Olongapo City subalit idineklarang patay ang biktima. Sa tala, si Baragal ay ika-38 manggagawa ang namamatay sa Hanjin facility simula noong 2006 habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments