^

Probinsiya

Nanay kinarne ni tatay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding selos at agawan sa mamanahin ng anak na babaeng ikakasal, pinagtataga hanggang sa mapatay ang 33-anyos na misis ng kaniyang mister sa Barangay Lampitak sa bayan ng Tampakan, South Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Lilibeth D­a­yem, mula sa tribo ng  B’laan habang sumuko naman sa kinuukulang ahensya ng pamahalaan ang suspek na si Rudy Dayem, 38.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na sobrang nagselos ang suspek dahil may ibang kinakasama ang kaniyang asawa matapos silang maghiwalay.

Bukod sa selos ay nag-aagawan ang dalawa sa ma­kukuhang dowry ng kanilang anak na babae na ikakasal.

vuukle comment

BARANGAY LAMPITAK

BUKOD

DAHIL

KINILALA

LILIBETH D

LUMILITAW

RUDY DAYEM

SHY

SOUTH COTABATO

TAMPAKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with