^

Probinsiya

Shootout: 4 suspek sa holdap dedo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang apat na kalalakihan na suspek sa holdapan sa mga pasahero ng bus makaraang maki­pagbarilan sa mga alagad ng batas sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay sa pamamagitan ng mga nakuhang identification card na sina Daryl Germino, Jeric Ace dela Cruz, Raymund de la Cruz at Mandy Villa, pawang miyembro ng Petinez robbery /holdup gang.

Sa ulat ni P/Supt. Roberto Aliggayu, bandang alas-4 ng madaling-araw nang holdapin ng mga suspek ang mga pasahero ng Baliwag Bus Transit (CBS-472) na  patungong Maynila pagsapit sa bahagi ng Barangay Malasin ng nasabing bayan.

Kaagad naman natanggap ng mga awtoridad ang impormasyon kaya rumes­ponde ang pangkat ni P/Chief Inspector Eric Devenancio kung saan namataan ang mga suspek na walang helmet at lulan ng dalawang motorsiklo na walang plaka.

Gayon pa man, sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya ang mga suspek kung saan pawang bumulagta matapos ang ilang minutong habulan.

Narekober sa encounter site ang tatlong baril, granada, at bag na nag­lalaman ng mga pera, cell phone, alahas at iba pang gamit ng mga pasaherong naholdap.

May teorya ang pulisya na sangkot ang mga suspek sa serye ng holdapan sa mga bayan ng Tala­vera, San Jose, Guimba at Muñoz.

BALIWAG BUS TRANSIT

BARANGAY MALASIN

CHIEF INSPECTOR ERIC DEVENANCIO

CRUZ

DARYL GERMINO

JERIC ACE

MANDY VILLA

NUEVA ECIJA

ROBERTO ALIGGAYU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with