CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nabahiran ng kalungkutan ang masayang kapistahan sa Barangay Balasbas makaraang mapaslang ang magkaibigang magsasaka ng mga armadong lalaki sa loob ng sayawan sa Sitio Parina sa bayan ng Manito, Albay kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Emelio Del Mundo, 50; at Jessie Guevarra, 47, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. William Macavinta, provincial PNP director, kapwa nagsasayaw ang magkaibigan nang lapitan at ratratin bandang alas-8:45 ng gabi.