Ama niratrat sa bahay

QUEZON, Philippines – Nasawi ang isang 53-anyos na barangay tanod habang nasugatan naman ang kanyang 16-anyos na anak na lalaki makaraang ratratin ng mga 'di-kilalang lalaki sa Barangay Antipolo sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan si Avelino Parago, biyudo. Ayon kay PO2 Alnor Tagara, natutulog sa kuwarto ng kanilang bahay ang biktima habang nanonood naman ng telebisyon ang kanyang mga anak sa salas. Ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan hindi na nagi­sing ang matandang Parago.

Show comments