Trader, misis dinukot

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang negosyante at misis nito sa loob ng  boarding house  na pag-aari ng mga ito sa kapitolyo ng Jolo, Sulu nitong Miyerkules ng gabi.

 Kinilala ni Director Felicisimo Khu, Directorate for Integrated Police Ope­rations-Western Mindanao ang mag-asawang biktima na sina Jose Batronel, 57- anyos at Rosely Villadore Batronel, 37-anyos.

Bandang alas-8:05 ng gabi ng pasukin ng mga armadong kalalakihan ang paupahang boarding house ng mag-asawa sa Sitio Barrio Militar, Brgy. Walled City, Jolo, Sulu.

Sa kasalukuyan ay ina­alam pa ng mga awtoridad ang grupong nasa likod ng pagdukot sa mga biktima habang nagawang makatakas naman ng katulong ng mga biktima na si Julie Latorre matapos makatalon ito mula sa jeep at nag-report sa awtoridad.

Show comments