Magbiyanan todas sa ambush

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa matandang negosyante at manugang nitong lalaki matapos ratratin ng hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Igmayaan sa bayan ng Don Salvador Be­nedicto, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Inspector Barry Villalobos, hepe ng Don Salvador Benedicto, kinilala ang mga napaslang na sina Marcelino Sa-inga, 67; at manugang nitong si Pablo Pasion, 47. Sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng gabi nang makarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok ng baril kung saan ay hindi namukhaan ang gunmen dahil sa madilim na ang paligid. Sa kasalukuyan, blangko ang pulisya sa motibo ng pamamaslang kung saan walang testigo na lumantad. 

Show comments